Posts

Ang Babae Sa Daan

Image
Isang gabi habang naglalakad ka pauwi galing sa eskwelahan ay may nakasalubong ka na karo ng patay. Agad na nanindig ang mga balahibo sa buo mong katawan. Nagmistula iyong mga patay na muling nangabuhay. Bukod sa napakadilim ng paligid ay wala ring katao-tao sa lugar. Tahimik ang dati-rati ay umpukan ng mga taong lansangan. Hindi nagtagal, biglang umihip ang napakalamig na hangin na lalong nagpatindig sa iyong mga balahibo. Tila mga palad iyon na dumadampi sa iyong balat na nununuot sa iyong kaloob-looban. Sandali kang napahinto. Ang iyong mga mata ay hindi na mapakali. Unti-unti mo nang nararamdaman ang takot na dahan-dahang sumasakop sa iyong sistema. Hindi mo namalayan na nakayakap ka na pala sa iyong katawan. Nilalamig at nanginginig. Mariin mong ipinikit ang iyong mga mata. Nang muli kang magmulat ay huminga ka nang malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Binabaybay mo ang kahabaan ng eskinita malapit sa inyong lugar. Kahit papaano ay maliwanag ang lugar na iyong nilalakaran...

Third Eye

Image
Napabalikwas si Peter sa kanyang hinihigaang sasakyan at inikot ang paningin sa paligid. Nasa Maynila na kaya sila? Nakaramdam siya ng pagkainis, ni hindi man lang kasi siya ginising ng driver ng sinakyang van. Maging ang mga kasabay niyang pasahero ay parang mga walang pakialam sa kapwa at hinayaan lang siyang maiwang natutulog. Lumuwas kasi si Peter ng Maynila mula sa kanilang bayan sa Santa Barbara dahil magsisimula na naman ang klase para sa second semester. Sa Maynila siya pinag-aaral ng mga magulang at kasalukuyang tumutuloy sa isang boarding house. Napamulagat ang binata nang mapatingin sa kanyang luminous na relo —alas-diyes na pala ng gabi! Ipinilig niya ang ulo, bahagyang nag-inat ng katawan, isinukbit ang dala-dalang backpack, at saka tuluyang lumabas ng van. Napahalukipkip siya, napakalamig ng hangin na sumalubong sa kanyang balat. Lalong nadismaya si Peter nang makitang makulimlim ang langit at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. "O, mabuti't gising ka na." Munt...

Gayuma

Image
Nalaman ni Mark ang tungkol kay Elias dahil sa kapitbahay niyang si Ronald.  "Si Ka Elias ang puntahan mo. Magaling 'yon, nananawas, saka nanghihilot," ang sabi ni Ronald. "Ang balita sa lugar namin ay marunong din daw siyang manggayuma." Dahil hindi siya masamahan, binigyan na lang siya ni Ronald ng direksiyon kung paano puntahan ang lugar ni Ka Elias. Gaya ng sabi ni Ronald ay bumaba siya sa kanto ng Dakila at sumakay ng traysikel. Hindi naman siya nahirapan dahil kilala ng lahat ng tigaroon ang manggagamot. Sa isang manggahan na nasa gitna ng palayan nakatira si Ka Elias. Mararating lang ang manggahan sa pamamagitan ng paglalalakad sa pilapil. Nang makarating si Mark sa bukana ay kinilabutan na siya. Malalaki ang mga puno na nakapaligid. Kakaunti na lang ang liwanag na nakakapasok sa manggahan dahil nasasala na iyon ng mga makakapal na dahon ng mga puno. Ang ingay ng mga traysikel at sasakyan ay mahinang huni na lang halos hindi na marinig. Parang nakarating ...

Midnight Man

Image
Gabi ng Biyernes, naimbitahan kami ni Jackie na mag-overnight sa bahay nila. Ang nanay at tatay niya ay umuwi ng probinsya para bisitahin ang lola niya na na-high blood kamakailan. Naroon ang iba ko pang mga kaibigan na sina Rara at ang adik kay Leonardo DiCarpio nasi Angelou. Sa loob ng bahay ay naaabutan kong ipinapalabas na naman ang Titanic . Seryoso, kada mag-i-sleepover kami hindi puwedeng hindi panonoorin ang pelikulang iyon. "Grabe, 'di ko matanggap na namatay si Jack. Sayang ang lahi niya. Shet!" pagmomonologue ni Angelou na maluha-luha pa. "Gusto mo ng Human Centipede o Cannibal ?" tanong ni Jackie kay Angelou. Natawa si Jackie nang umungol si Angelou dahil sa pandidiri. Kolektor talaga si Jackie ng mga bayolenteng palabas. Sadista yata siya, deep inside. Lumipas ang isang oras, naging boring ang lahat. Si Jackie ay papikit-pikit habang nakatingin sa TV, si Angelou ay umiiyak dahil nagpapaalam na si Rose kay Jack, si Rara ay ewan ko kung anong ginagaw...

Ghost Call

Image
 Ako si Carl Robert, isang call center agent. Gusto kong ipaalam sa iyo na napaka-advance na ng teknolohiya. Ang account na hawak ko sa aking trabaho ay car security system ng mga bagong sasakyan. Magugulat ka sa sistema na ito dahil nandito ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong sasakyan. Malalaman mo kung nasaan ang sasakyan mo at gaano kabilis ang tinatakbo nito. Bukod pa doon, may special features ang sistema dahil sa bawat tawag mo ay konektado ang pulis at awtoridad sa iyong linya. Kahit manakaw ang kotse mo, puwede mong itawag ito at sabihin na pahintuin ang makina ng sasakyan o i-lock ang pintuan ng sasakyan nang sa ganoon hindi makalabas ang magnanakaw o ang taong nasa loob nito. Ito rin ang naka-install na sistema sa loob ng aking sasakyan. Sa tagal ko sa aking trabaho at account, marami na rin akong na-encounter na tawag mula sa mga stalkers, magkarelasyong walang tiwala sa isa't isa, at iyong mga taong na-carnap ang kanilang sasakyan. Pero kasama na rin dito ang mga ...

Bal-Bal

Image
 "Hello, Ma? Nasaan na po kayo?" tanong ni Flor sa kanyang nanay. Naiwan si Flor sa bahay kasama ang kanilang katulong na si Aling Medy. Kabuwanan na niya at kasalukuyang on the way pa lamang ang kanyang mga magulang pauwi sa probinsya. Naisipan ng mga magulang ni Flor na sa probinsya na lang siya manganak dahil na rin sa mga nangyari sa Maynila. Limang buwang buntis siya noon nang maaksidente sila ng kanyang asawa sa EDSA Magallanes. Nasagip si Flor at ang pinagbubuntis niya ngunit ang asawa niya ay hindi pinalad. "Sige, Ma! Tumawag na lang po kayo sa akin kapag malapit na kayo." matapos iyon ay ibinaba na niya ang cellphone. Pumunta sa kusina si Flor at binuksan ang kanilang pridyider. Kumuha siya ng orange at bumalik muli sa sofa. Hiling ni Flor na sana nandito sa probinsiya ang mga magulang niya kapag siya ay nagsimulang mag-labor. Bumisita ang mga magulang niya sa Maynila dahil dinalaw ng mga ito ang kapatid ng lolo niya na nasa comatose state na. Kailangan daw...

Call Center Story: Quiet Room

Image
Based on a real story... "Is there anything else that I can assist you with today?" "That's all for today. Thanks for your help." "Thank you for choosing our company. Have a great day! Bye!" Agad na nag-logged out sa kanyang computer si Melissa (not her real name) matapos niyang sagutin ang huling tawag. Iniunat niya ang kanyang dalawang braso at humikab. Tumingin sya sa kanyang wristwatch. "Alas-dose na pala. One hour na ang OT ko. Ayoko na. Malat na ang boses ko." Tumayo na siya at pumunta sa locker room. Nadatnan niya roon si Rico (not his real name) na katulad nya ay nag-overtime rin. "How are your calls, Mel?" tanong ni Rico. Same as usual. Same complaints every day! Mabuti na lang na kahit queuing, walang irate na customer!" sagot ni Melissa habang kinukuha ang toothbrush mula sa locker niya. "Ikaw, kumusta?" "Mabuti ka pa! Sana hindi na lang ako nag-OT. Puro sup-call (supervisor-call) ang buong isang oras ...

Overtime Part 5 The Finale

Image
Takutan Stories - Overtime Part 5 The Finale Masaya si Gian sa kumpanya sa Makati na kanyang pinagtatrabuhan. Mabait ang kanyang mga katrabaho at maayos ang benepisyo dito. Pinapayagan din ng kumpanya na mag-overtime sila. Pero ang hindi nya alam ay may madilim na nakaraang nababalot sa building nila. 

Hit and Run

Image
  Araw ng Sabado. Kring... Kring... Kring... Kanina pa tumutunog ang alarm ni Donna subalit hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa kama at nakatitig sa kisame. Dapat excited siya sa araw na ito ngunit lahat ito ay nagbago dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya ilang gabi na ang nakalilipas. Tiningnan niya ang kanyang cellphone na panay pa rin ang pagtunog ng alarm. 11 AM. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang birthday party ng kaisa-isang lalaki na kanyang minahal, ang best friend niyang si MJ. Simula pagkabata ay mag-bestfriend na ang dalawa. Nagkahiwalay lamang sila nang lumipad ito papuntang Germany. Ngayon lang muli sila magkikita dahil binalak ni MJ na idaos ang kaarawan sa probinsya nito sa Cavite. May lihim na pagtingin si Donna kay MJ subalit hindi niya ito nasabi dahil biglaan ang pag-alis nito papuntang Germany. Wala itong paalam at simula noon, hindi na rin ito naging active sa Facebook at maging ang pagtawag at pagte-text ay tila kinalimutan na rin nito. "MJ, m...