Posts

Showing posts from October, 2025

Overtime Part 3

Image
  Takutan Stories - Overtime Part 3 Masaya si Gian sa kumpanya sa Makati na kanyang pinagtatrabuhan. Mabait ang kanyang mga katrabaho at maayos ang benepisyo dito. Pinapayagan din ng kumpanya na mag-overtime sila. Pero ang hindi nya alam ay may madilim na nakaraang nababalot sa building nila. 

Ang Sundo

Image
  Isinarado ni Gladilyn ang librong binabasa niya tungkol sa Human Anatomy. Kanina pa kasi sumasakit ang ulo niya dahil sa mga binabasang medical terms. Lumapit sa kanya ang librarian na naging ka-close niya dahil sa lagi niyang pagbisita sa public library ng kanilang munisipyo. "Oh, iha? Kumusta ang pagbabasa mo? Ang sipag mo talagang bata ka," ani Manang Viva. May suot itong salamin at maputi na ang buhok na laging nakapusod. Tantya ni Gladilyn ay nasa late 60's na ang matanda. "Naku, Manang este Teacher Viva, dinudugo na nga po ako rito dahil sa mga binabasa ko. Sasabog na po yata ang utak ko. Overloaded na!" ani Gladilyn. Teacher Viva ang gustong palayaw ni Manang dahil ilang taon din itong naging guro at principal sa karatig na public school. Nagdesisyon na lang itong maging librarian para kahit retiro na ito sa kanyang propesyon ay kapiling pa rin nito ang mga libro. "Glad, masamang pinipilit ng sariling mag-aral. Mas maganda kung relax ang isip natin...

Overtime Part 2

Image
Takutan Stories - Overtime Part 2 Masaya si Gian sa kumpanya sa Makati na kanyang pinagtatrabuhan. Mabait ang kanyang mga katrabaho at maayos ang benepisyo dito. Pinapayagan din ng kumpanya na mag-overtime sila. Pero ang hindi nya alam ay may madilim na nakaraang nababalot sa building nila. 

Overtime - Part 1

Image
 Takutan Stories - Overtime Part 1 Masaya si Gian sa kumpanya sa Makati na kanyang pinagtatrabuhan. Mabait ang kanyang mga katrabaho at maayos ang benepisyo dito. Pinapayagan din ng kumpanya na mag-overtime sila. Pero ang hindi nya alam ay may madilim na nakaraang nababalot sa building nila. 

Bus Stop

Image
Nagmamadaling naglalakad si Avegail sa kalagitnaan ng napakalakas na buhos ng ulan. Ginabi na sila ng pagpa-practice ng kanilang sayaw para sa taunang Cultural Activity na gaganapin sa susunod na linggo. Bujod sa napakaistrikto ng kanilang dance instructor, nagdagdag pa ito ng panibagong dance steps para sa sayaw nilang Singkil. Araw-araw ay pagod na pagod si Avegail at ang mga kaklase niyang kasali rin sa sayaw. Kanina lang ay napagalitan siya dahil lamang sa napakaliit na pagkakamali. Kung hindi lang niya kailangan ang points para sa extracurricular activities ay matagal na siyang nagback-out sa pagsasayaw. Kabilang siya sa Top 10 ng klase at alam niyang ang pagsali sa mga ganitong activities ay may dagdag na puntos din bukod sa academics. Dama ni Avegail ang hirap ng isang graduating student sa high school. Nang matanaw nya ang bus stop ay agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Ngunit agad ding nawala ang ngiting iyon nang makita niya ang oras sa kanyang wristwatch. "Putek...