Posts

Showing posts with the label Ang Babae Sa Daan

Ang Babae Sa Daan

Image
Isang gabi habang naglalakad ka pauwi galing sa eskwelahan ay may nakasalubong ka na karo ng patay. Agad na nanindig ang mga balahibo sa buo mong katawan. Nagmistula iyong mga patay na muling nangabuhay. Bukod sa napakadilim ng paligid ay wala ring katao-tao sa lugar. Tahimik ang dati-rati ay umpukan ng mga taong lansangan. Hindi nagtagal, biglang umihip ang napakalamig na hangin na lalong nagpatindig sa iyong mga balahibo. Tila mga palad iyon na dumadampi sa iyong balat na nununuot sa iyong kaloob-looban. Sandali kang napahinto. Ang iyong mga mata ay hindi na mapakali. Unti-unti mo nang nararamdaman ang takot na dahan-dahang sumasakop sa iyong sistema. Hindi mo namalayan na nakayakap ka na pala sa iyong katawan. Nilalamig at nanginginig. Mariin mong ipinikit ang iyong mga mata. Nang muli kang magmulat ay huminga ka nang malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Binabaybay mo ang kahabaan ng eskinita malapit sa inyong lugar. Kahit papaano ay maliwanag ang lugar na iyong nilalakaran...