Hit and Run
Araw ng Sabado. Kring... Kring... Kring... Kanina pa tumutunog ang alarm ni Donna subalit hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa kama at nakatitig sa kisame. Dapat excited siya sa araw na ito ngunit lahat ito ay nagbago dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya ilang gabi na ang nakalilipas. Tiningnan niya ang kanyang cellphone na panay pa rin ang pagtunog ng alarm. 11 AM. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang birthday party ng kaisa-isang lalaki na kanyang minahal, ang best friend niyang si MJ. Simula pagkabata ay mag-bestfriend na ang dalawa. Nagkahiwalay lamang sila nang lumipad ito papuntang Germany. Ngayon lang muli sila magkikita dahil binalak ni MJ na idaos ang kaarawan sa probinsya nito sa Cavite. May lihim na pagtingin si Donna kay MJ subalit hindi niya ito nasabi dahil biglaan ang pag-alis nito papuntang Germany. Wala itong paalam at simula noon, hindi na rin ito naging active sa Facebook at maging ang pagtawag at pagte-text ay tila kinalimutan na rin nito. "MJ, m...