Posts

Showing posts with the label Bus Stop

Bus Stop

Image
Nagmamadaling naglalakad si Avegail sa kalagitnaan ng napakalakas na buhos ng ulan. Ginabi na sila ng pagpa-practice ng kanilang sayaw para sa taunang Cultural Activity na gaganapin sa susunod na linggo. Bujod sa napakaistrikto ng kanilang dance instructor, nagdagdag pa ito ng panibagong dance steps para sa sayaw nilang Singkil. Araw-araw ay pagod na pagod si Avegail at ang mga kaklase niyang kasali rin sa sayaw. Kanina lang ay napagalitan siya dahil lamang sa napakaliit na pagkakamali. Kung hindi lang niya kailangan ang points para sa extracurricular activities ay matagal na siyang nagback-out sa pagsasayaw. Kabilang siya sa Top 10 ng klase at alam niyang ang pagsali sa mga ganitong activities ay may dagdag na puntos din bukod sa academics. Dama ni Avegail ang hirap ng isang graduating student sa high school. Nang matanaw nya ang bus stop ay agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Ngunit agad ding nawala ang ngiting iyon nang makita niya ang oras sa kanyang wristwatch. "Putek...