Bal-Bal
"Hello, Ma? Nasaan na po kayo?" tanong ni Flor sa kanyang nanay. Naiwan si Flor sa bahay kasama ang kanilang katulong na si Aling Medy. Kabuwanan na niya at kasalukuyang on the way pa lamang ang kanyang mga magulang pauwi sa probinsya. Naisipan ng mga magulang ni Flor na sa probinsya na lang siya manganak dahil na rin sa mga nangyari sa Maynila. Limang buwang buntis siya noon nang maaksidente sila ng kanyang asawa sa EDSA Magallanes. Nasagip si Flor at ang pinagbubuntis niya ngunit ang asawa niya ay hindi pinalad. "Sige, Ma! Tumawag na lang po kayo sa akin kapag malapit na kayo." matapos iyon ay ibinaba na niya ang cellphone. Pumunta sa kusina si Flor at binuksan ang kanilang pridyider. Kumuha siya ng orange at bumalik muli sa sofa. Hiling ni Flor na sana nandito sa probinsiya ang mga magulang niya kapag siya ay nagsimulang mag-labor. Bumisita ang mga magulang niya sa Maynila dahil dinalaw ng mga ito ang kapatid ng lolo niya na nasa comatose state na. Kailangan daw...