Ang Sundo
Isinarado ni Gladilyn ang librong binabasa niya tungkol sa Human Anatomy. Kanina pa kasi sumasakit ang ulo niya dahil sa mga binabasang medical terms. Lumapit sa kanya ang librarian na naging ka-close niya dahil sa lagi niyang pagbisita sa public library ng kanilang munisipyo. "Oh, iha? Kumusta ang pagbabasa mo? Ang sipag mo talagang bata ka," ani Manang Viva. May suot itong salamin at maputi na ang buhok na laging nakapusod. Tantya ni Gladilyn ay nasa late 60's na ang matanda. "Naku, Manang este Teacher Viva, dinudugo na nga po ako rito dahil sa mga binabasa ko. Sasabog na po yata ang utak ko. Overloaded na!" ani Gladilyn. Teacher Viva ang gustong palayaw ni Manang dahil ilang taon din itong naging guro at principal sa karatig na public school. Nagdesisyon na lang itong maging librarian para kahit retiro na ito sa kanyang propesyon ay kapiling pa rin nito ang mga libro. "Glad, masamang pinipilit ng sariling mag-aral. Mas maganda kung relax ang isip natin...